










^^
DA WHO?!! heheheh special yan kaya walang pangalan.. si pareng WHITEBOX yan!!!
ang ride na ito ay pinangunahan ni papa ver aka VFA. hindi daw sya makapag log in sa forum kaya sa akin nya sinabi na magyaya daw ako ng iba pang sasama.. yung nga ang ginawa ko pinagtatawagan ko yung iba yung may mga sun no. ng malaman ko na medyo lampas na ng lima ang siguradong sasama nag pm ako kay pareng xap at sabi ko sya na ang gumawa ng thread para sa mga iba pang gustong sumama..
4 am pagkagising kumain at naligo na si yhuan. (mabagal kasi kumilos). hehehe 6 am dumeretso na ako sa amkor sucat para dun makipag meet kay jamila. nandun na rin sila mike-j at shie mga 6:15 am sabay-sabay na kaming umalis ng sucat papuntang shell c5 tambayan. naabutan namin dun sila pareng silac pareng whitebox at syempre si pareng warren.. na kahit anong pilit namin eh,hindi talaga sya sumama kahit gustuhin man daw nya ay hindi sya pwedeng hindi pumasok. sunod-sunod ng nagdatingan ang mga kasama.
shell c5 tambayan 7 am..


if im not mistaken, 8 am umalis na kami.. touring mode!!! hehehe.. ang first stop namin hindi ko maalala basta ang naaalala ko tumigil kaming lahat dahil hinintay namin sila whitebox at nails dahil nalaglag yung TRIPOD na dala nya. pagdating nila umalis na rin kami agad!!!.. next stop namin is sa COTTAGE GARDER.. dun kami nag picture picture.. nag video at konting pahinga.





pagtapos ng kakulitan ni bente dumeretso na kami sa PRANJETTO HILLS para dun magpahinga at kumain.. sarado kasi sila mang vic kasi daw bawal ang meat pag biyernes santo. mabuti na lang at may bukas na makakainan.. para sa mga hindi nag agahan tulad namin ni jamila, papaver at mamaver at sila mike-j&shie rice fried fish at ampalaya ang kinain namin.. at para naman sa iba pancit canton. (hindi lucky-me ha?!) hehehe.. thanks kay sir ervin dahil sya ang sumagot ng canton..



pagkatapos ng kainan kulitan at kwentuhan napansin ni papaver na medyo makulimlim kaya napagkasunduan na bumaba na.. eto ang group pic. bago kami bumaba!!!

nang pababa na kami nauna sina bente at gracia.. isa-isa kaming kinuhanan ng video. salamat sa inyong dalawa! habang binabaybay namin ang mga twisties hindi nga nagkamali si papaver biglang umambon at lumakas ang hangin. akala ko lalakas pa ang ulan mabuti naman at hindi naman pala umaambong sa ibang parte ng aming dinaanan. tumigil ulit kami sa cottage garden at dun kami kinuhanan ng pictures ni sir nails.. thanks sir nails sa mga picutures. hindi nagtagal at umalis na rin kami dahil sa sobrang init ng araw.. naunang humiwalay sa amin si whitebox. sa petron cogeo ang next stop namin..



pagtapos ng konting pahinga at picture taking nagyayaan na naunang humiwalay sila papaver at pareng silac. ang iba dumeretso pa sa tambayan. sina 125RR,NAILS,BENTE&GRACIA, MIKE-J&SHIE, XAPHIRE, JAMILA at syempre si YHUAN.. hehehe!!! grabe ang init kaya nagpahinga muna kami naupo sa sahig.. hehehe

kung mapapansin nyo wala na dyan si pareng xap. nauna na sya umuwi dahil may pasok pa sya ng 4pm.. kaming mga naiwan konting kwentuhan at maya-maya lang napag kasunduan na ring umuwi.. 12:30 pm kami nakauwi ni jamila sa bahay